Iginiit ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago na kaya ng mga jeepney drivers at operators ang gastos sa jeepney modernization.
Ayon sa tagapagsalita, aakuin ng pamahalaan ang limang porsyento ng 80,000 piso na halaga ng bagong jeepney sa ilalim ng Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.
Dagdag pa nito, malaki matitipid ng mga tsuper at operator ng miyembro ng mga kooperatiba.
Matatandaang nagsagawa ng nationwide transport strike ang iba’t-ibang transport groups para tutulan ang naturang modernization plan.