Tumangging kumasa sa hamon ng militanteng grupo na mag commute papasok ng trabaho si MMDA spokesperson Celine Pialago.
Ayon kay Pialago, ito ay dahil siya rin ay isang commuter.
Kwento ni Pialago pag pumapasok siya sa MMDA sa Guadalupe, may mga pagkakataon na siya ay sumasakay ng MRT.
Sinusundan na lang aniya siya ng kotse sa opisina. Mas pinipili niya umanong mag-mrt dahil mas mabilis ito at makakaabot siya sa flag ceremony sa halip na sumakay sa kotse.
Ngunit sa palagay niya umano ay hindi na kailangan pang i-video ang kaniyang pagco-commute para lamang ito patunayan.
Kasabay nito, hinimok ni Pialago ang publiko na huwag ng magsisihan sa halip at magtulungan na lamang para solusyunan ang problema sa trapiko.
Tiniyak din ng tagapagsalita na batid ng MMDA ang paghihirap ng mga commuter dahil sa problema sa trapiko kaya’t hindi naman aniya tumitigil ang ahensya para ito ay masulusyunan.