Nagpositibo muli si Piat, Cagayan Mayor Carmelo Villacete sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa inilabas na pahayag ng Cagayan Provincial Information Office, walang travel history ang alkalde pero muli itong inubo at nagka-sore throat nitong July 24, na pawang mga sintomas ng nakamamatay na virus.
Dahil dito, agad na isinailalim sa swab testing si Villacete, at dito nga napag-alamang positibo ito sa virus.
Paliwanag ng mga doktor na sumuri kay Villacete, posibleng nagkaruon muli ng reinfection ng virus sa kanyang katawan, kung kaya’t lumabas na positibo ulit ang alkalde.
Nauna rito, nuong April 2 ay nag-positibo si Piat, Cagayan Mayor Villacete sa COVID-19 kung kaya’t namalagi ito sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).