Tatlong COVID-19 patients na ang napagaling ng quarantine facility na pinangangasiwaan ng Philippine National Police (PNP) sa PICC.
Ito’y ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at commander ng admin support to COVID-19 Operations Task Force P/Ltg. Camilo Cascolan.
Sa kasalukuyan ani Cascolan, siyam na lang ang inaalagaan ng PICC quarantine facility habang nasa 285 pa ang mga available na kama rito.
Ang PICC quarantine facility ay nagsisilbing stepdown area para sa mga pasyenteng nagpapagaling na mula sa epekto ng COVID-19.