Bubuksan na bilang quarantine centers ang PICC at Rizal Memorial Coliseum sa ika-10 ng Abril.
Ini-anunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang PICC ay mayroong 700 bed capacity samantalang 600 naman ang sa Rizal Memoril Coliseum.
Inaasahan naman anyang magiging operational na bilang quarantine center ang World Trade Center sa ika-12 ng Abril na may 650 bed capacity.
Ayon kay Nograles, maliban sa tatlo, ang ilan pang inihahanda para maging quarantine center ay ang Quezon Institute, Duty Free sa Parañaque, Amorante Stadium, Quezon Memorial Circle at iba pa.
Binigyang diin ni Nograles na layon nilang maihiwalay na sa lalong madaling panahon ang mga patients under investigation (PUIs) at persons under monitoring (PUMs) upang makita kung aling mga komunidad ang malinis na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ma-appreciate po ninyo, ang ginagawa po natin ay we are trying to isolate –ihiwalay po natin sa population ‘yung mga PUIs, PUMs, mga positive sa COVID-19 para ma-identify na po natin ‘yung mga negative communities, then, after madetermine na natin na sana walang local transmission ng COVID-19, then unti-unti they can go to the ‘new normal’,” ani Nograles.