Aabot sa 600,000 litrato at video ng mga hubad at sexually abuse na mga batang Pilipino ang na-upload, na-share at naibenta online noong 2018.
Ito ay batay sa child advocacy group na Child Rights Network kung saan malaki umano ang itinaas kumpara sa mahigit 45,000 kaso noong 2017.
Dahil dito, naalarma si Senadora Risa Hontiveros, chair ng senate committee on women, children and family relation.
Ani Hontiveros, mas naging malala ngayon ang pang aabuso sa mga bata online.
Nangangahulugan umano ito na kailangan nang maipasa ang iba’t ibang mga batas na magbibigay ng proteksyon sa mga bata.
Sa kasalukuyan, may umiiral sa bansa na batas laban sa child abuse gaya ng anti-trafficking in persons act, anti-child pornography act at special protection of children against abuse, exploitation and discrimination act.