Himas rehas si Aldrin Oleta matapos tangayin ang P10-M ng isang biktima na ilalaan daw sa piggery business na natuklasan kalaunan na isa palang investment scam.
Nasakote si Oleta sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Fraud Division, makaraang tanggapin ang marked money na P100-K na mula sa bago sana nitong biktima.
Ayon kay NBI spokesperson Atty. Giselle Garcia-Dumlao, dumulog sa kanilang tanggapan ang complainant na itinago sa pangalang “Rina” na pinangakuan ng suspek ng 30-70 na hatian kapag kumita ang perang ininvest nito sa negosyong piggery.
Sa salaysay ni Rina, personal nitong pinuntahan ang sinasabing lokasyon ng piggery ngunit pagdating doon, wala itong nakitang niisang baboy.
Dito na napagtanto ng biktima na binaboy na ng suspek ang perang kanyang ininvest para sa negosyong babuyan na isa palang scam o modus.
Sobra aniyang sakit dahil galing pa sa insurance ng kanyang pumanaw na ama ang napakalaking halaga na ibinigay kay olate na nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa Securities Regulation Code at Estafa.