Umaaray din maging ang dating Presidential Spokesman na si Atty. Harry Roque sa epektong dulot ng sakit na African Swine Fever (ASF) sa mga alagang baboy.
Ito’y makaraang ihayag ng abogado na tinamaan din ng nasabing sakit ang kaniyang 20 alagang baboy sa kanilang piggery sa Tanay, Rizal.
Ayon kay Roque, tinitingnan niya kung nasunod ba o hindi ng kaniyang mga tagapag-alaga ng baboy ang mga payo ng Bureau of Animal Indurtry (BAI) na siyang isa sa mga dahilan kung bakit nakarating doon ang ASF.
Magugunitang kinumpirma kamakailan ng Department of Agriculture (DA) ang outbreak ng ASF sa mga bayan ng Rodriguez sa Rizal; Brgy. Cupang sa Antipolo City at sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan.