Balak ngayon ng mga awtoridad na ilipat ang piitan ni US Marine Corporal Joseph Scott Pemberton sa Compound Intelligence Service of The Armed Forces of the Philippines o ISAFP sa loob din ng Kampo Aguinaldo sa Quezon City.
Ayon kay Bureau of Corrections o BUCOR Director Rainier Cruz, hinihintay lamang nila ang engineering unit mula Amerika bago nila tuluyang ilipat ng piitan ni Pemberton.
Kasalukuyang nakadetine si Pemberton sa isang container van sa loob ng Mutual Defense Security Engagement Board Compound ng Pilipinas at Amerika sa loob ng Kampo Aguinaldo.
Sinabi ni Cruz, nakikipag-ugnayan na ang mga opisyal ng Amerika sa ISAFP para sa paglilipat kay Pemberton.
Bagama’t nahatulan na si Pemberton ng Olongapo City RTC noong Disyembre, nananatili pa rin ito sa kanyang kasalukuyang piitan.
By Jaymark Dagala