Mahigit 2 kilometro na ang haba ng cargo trucks na naka linya sa Batangas Port matapos ang bagyong Lando.
Ilan sa mga nasabing cargo trucks ay naabutan na sa daan bago pa man mag landfall ang bagyong Lando sa Aurora Province.
Nakiusap naman ang Asian Terminal Incorporated sa mga driver na maging pasensyoso habang tinutugunan nila ang problema
Ayon sa pamunuan ng pier, unti unti namang bumabalik sa normal ang sitwasyon matapos mag resume ang fastcat operations.
By: Judith Larino