Umabot na sa limang kilometro ang haba ng pila ng mga truck sa Matnog Port sa Sorsogon matapos maantala ang mga biyahe bunsod ng bagyong Agaton.
Ayon sa Philippine Coast Guard, nakataas parin kasi ang Signal no. 1 sa ilang bahagi ng bansa kaya’t suspendido parin ang biyahe ng mga sasakyang pandagat.
Dahil dito, umabot narin sa kalsada ang pagmamando ng mga tauhan ng PCG dahil sa pagdagsa ng mga truck sa mga pantalan.
Samantala, nasa mahigit 9,400 naman ang bilang ng mga pasaherong na-stranded sa ibat-ibang mga pantalan kung saan, ang ilan sa kanila ay sa terminal na nagpalipas ng gabi.
Binigyan naman ng PCG ng pagkain at maiinom na malinis na tubig ang mga pasaherong naapektuhan ng kanseladong biyahe. —sa panulat ni Angelica Doctolero