Sinalubong ng mahabang pila ang mga commuter sa EDSA bus Carousel Station sa unang araw ng balik-trabaho kahapon, matapos ang Semana Santa.
Sa Monumento Station sa Caloocan, umabot sa dalawang kilometro ang haba ng pila ng mga mananakay na naghintay ng libreng sakay sa bus carousel.
Sa kabila nito, nilinaw ng Department of Transportation na mabilis naman ang usad ng pila at nakasakay agad ang mga pasahero.
Nagdagdag din ang DOTr ng nasa 100 bus dahil sa inasahan na nila ang pagdagsa ng mga commuter.
Sabado De Gloria nang magsimulang magbalikan ang mga motorista at bakasyonista sa Metro Manila dahilan upang bumigat ang daloy ng trapiko sa ilang pangunahing kalsada.