Niyanig ng Magnitude 5.2 na lindol ang Pilar, Abra kaninang alas-2:27 ng madaling-araw.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DOST secretary Renato Solidum na aftershocks ang pagyanig ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Northwestern Luzon noong July 27.
May sentro ito na 12 kilometro papuntang kanluran mula sa Pilar, Abra at naramdaman sa ilang bahagi ng Ilocos Sur.
Ang naireport na pinakamataas na intersity ay intensity 5, sa Silang, Banget at tsaka Duke, Abra, at ganun din sa Banayoyo Ilocos Sur, tsaka San Fernando La Union, Mayroon ding naireport sa ating mga intensitometer ang tawag dun ay intersity meter,intersity 5 din, sa Vigan,sa Ilocos Sur,at naramdaman din ito hanggang Cagayan, intensive exclusion dito sa Gonzaga Cagayan, sa Laoag Ilocos Norte, at sa ibang bahagi ng Mt. Surreal Atmospheic Region, Intensity 1 tulad sa Kalinga, ganun din sa Urdaneta, sa Asisan Pangasinan.”
Sa kabila ng malakas ng pagyanig, ligtas at nanatiling operational ang mga paliparan sa Tuguegarao, Cauayan, Isabela at hilagang Luzon na kinabibilangan ng Baguio, Laoag, Vigan, Lingayen at Pangasinan airports.
Muli namang nagpaala ang PHIVOLCS sa publiko na panatilihing matibay ang mga bahay at gusali upang makaiwas sa pinsalang idudulot ng lindol.
Ang mga aftershocks sa Abra ay posible pang magpatuloy,ito naman ay kumo- konti, pero paminsan- minsan ay mararamdaman pa din ang pagyanig, pero sa buong Pilipinas, ang ating bansa ay isang maraming suot, kailangan nating paghandaan ang malalakas na lindol para kung sakaling mangyari ay iready- ready tayo.”