Nagpositibo sa COVID-19 si Pililla, Rizal Mayor Dan Masinsin.
Ayon sa anak ng alkalde na si John Masinsin, na-admit ang kaniyang ama sa isang private ospital nuong Lunes matapos matanggap ang resulta ng kaniyang COVID-19 test.
Sa ngayon aniya ay nasa magandang kondisyon naman ang kaniyang ama.
Nuong August 10 umano unang nakitaan ng sintomas ang alkalde kaya’t agad itong sumailalim sa isolation.
Nagpa-swab test na rin umano silang mag-anak at ngayon ay sumasailalim sa 14-day home quarantine.