Tiniyak ng Department of Finance (DOF) na makakatanggap ng cash aid ang piling mga empleyado sa middle class.
Partikular na tinukoy ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang mga nagta-trabaho sa micro, small and medium enterprises (MSME).
Ayon kay Dominguez, nasa P35-B hanggang P50-B ang inilalaan para sa mga apektadong empleydo sa MSME sector.
Gayunman, aminado si Dominguez na malabong mabigyan ng assistance ang lahat ng middle class families.
Samantala, ibinigay ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang ilan sa mga nabuo nilang guidelines para rito.
Dalawang tranches anya ibibigay ang cash aid na ilalabas sa Mayo, subalit ang mga empleyado na nakatanggap na ng cash aid sa Dole ay sa second tranch na lamang mapapabilang.