Pinalaya na ang Pilipinang kasama sa mga dinukot ng Abu Sayyaf sa Samal Island noong nakaraang taon.
Napag-alaman sa Jolo Sulu PNP na dakong madaling araw nang palayain ng Abu Sayyaf si Marites Flor.
Agad naman itong dinala sa tahanan ni Sulu Governor Abdusakur Tan ll at doon pinuntahan nina incoming Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at ng Women’s and Child Protection Center.
Ihahatid ni Dureza kasama ng mga miyembro ng Philippine Marines sa Camp Teodolfo Bautista sa Jolo si Flor para sa isang stress debriefing bago ihatid sa kanyang pamilya.
Hindi naman matukoy ni Cayat kung sino ang nakipag-negosasyon para mapalaya si Flor at kung nagkaroon ba ng bayaran ng ransom.
Sa ngayon tanging ang Norwegian national na si Kjartan Sekkingstad na lamang ang hawak ng Abu Sayyaf mula sa apat na dinukot nila sa Samal Island.
Ang dalawang Canadian national na sina John Ridsdel at Robert Hall ay parehong pinugutan ng Abu Sayyaf matapos mabigong makuha ang hinihingi nilang ransom mula sa Canadian at Philippine government.
By Len Aguirre | Katrina Valle | Jonathan Andal (Patrol 31)