Isiniwalat ng pinalayang bihag ng Abu Sayyaf Group na si Maritess Flor ang pagmamaltrato sa kanila ng bandidong grupo.
Ayon kay Flor, sinisipa, sinusuntok, at sinasampal silang mga bihag kapag nagkakamali sila.
Mismong siya, aniya, ay nasampal ng mga Abu Sayyaf.
Matapos umanong makipag-usap ni Sulu Governor Abdusakur Tan II sa mga Abu Sayyaf, pinalaya kahapon ng madaling araw si Flor ngunit naiwan ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad
Setyembre nang dukutin ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sina Flor at kanyang mga kasamang sina Sekkingstad, John Ridsdel, at Robert Hall sa Samal Island.
Matatandaang pinugutan ang mga Canadian na sina Ridsdel at Hall nang mabigong magbayad ng ransom ang kanilang gobyerno.
Samantala, sinabi ni Incoming Peace Process Adviser Jesus Dureza, walang pagbabayad ng ransom o anumang kundisyon sa paglaya ni Flor.
By: Avee Devierte
Photo Credit: CNNPH