Bahagyang umangat ang ranggo ng Pilipinas sa listahan ng Most Peaceful Countries sa buong mundo.
Batay sa 2019 Global Peace Index (GPI), pang 134 ang Pilipinas sa 163 bansa.
Ito ay tatlong pwestong mas mataas mula sa 137 na kinalagyan ng bansa noong nakaraang taon.
Samantala, nasa pang-18 pwesto naman sa least peaceful countries ang Pilipinas sa Asia-pacific na halos nakikipaggitgitan sa North Korea sa pinakamababang pwesto.
Pinakamayapang bansa naman sa Southeast Asia ang Singapore kung saan pang-pito sa overall 2019 GPI.
Nananatili namang pinakamayapang bansa sa buong mundo ang Iceland na hawak ang pwesto mula pa taong 2008.