Inilunsad na ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang bagong kampanya para sa halalan sa susunod na taon na “Pilipinas 2016: Tamang Pagboto, Tamang Pagbilang.”
Kasabay ito ng unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy na nagsimula alas-10:00 kaninang umaga.
Nanawagan naman si COMELEC Chairman Andres Bautista sa mga botante na bumoto ng tama dahil ang gagawin ng poll body ay bumilang naman ng tama.
Samantala, bukod sa 11 presidentiable na una ng nag-file ng COC ngayong araw umabot na sa 10 ang naghain para sa pagka-senador kabilang na si dating Senator Ping Lacson at Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares.
By Drew Nacino | Allan Francisco