Umangat na sa pang-anim ang Pilipinas sa SEA Games na may 10 gold, 17 silver at 26 bronze habang ang host country na Singapore ay nanguna pa rin na may 47 gold, 40 silver at 51 bronze medal.
Ang pagkakakuha ng gold medal ni Gymnast Reyland Capellan sa Men’s Floor Exercise ang nagdala sa Pilipinas sa pang-anim na puwesto sa 2015 SEA Games.
Umabot sa 14.733 points na walang penalties ang nakuha ni Capellan na nagtala ng unang gold medal para sa Gymnastics na tinalo ang pambato ng Singapore na si Wah Toon Hoe na may 14.566 points lamang.
By Mariboy Ysibido