Bumaba ang ranggo ng Pilipinas sa mga bansang may pinaka-makapangyarihang pasaporte sa buong mundo.
Batay sa Henley Global Passport Index, mula sa 73 pwesto noong 2024, nasa 75 na ngayon ang Pilipinas.
Sa ngayon, maaaring magamit ang Philippine passport sa 67 mga bansa nang walang visa.
Samantala, nanguna naman ang Singapore sa may pinaka-makapangyarihang passport sa buong mundo, na nakakuha ng 195 visa-free score;
Habang ang Afghanistan ang nananatiling may pinakamahinang pasaporte sa buong mundo na may access lamang sa 26 na destinasyon nang walang visa.