Nakuha ng Pilipinas ang ika-82 puwesto sa pinakamasasayang bansa sa buong mundo.
Base ito sa World Happiness Report Update 2016 na inilabas ng Sustainable Development Solutions Network para sa United Nations.
Sa naturang listahan, mula sa 156 na bansa sa mundo, pasok sa top 10 ang Switzerland, Iceland, Denmark, Norway, Finland, Canada, The Netherlands, New Zealand, Australia at Sweden.
Sa mga kapitbahay namang bansa ng Pilipinas, nakuha ng Hong Kong ang ika-75 puwesto, Malaysia ika–47, habang ang Singapore naman ang may pinakamataas na puwesto sa buong Asya matapos na makuha ang ika-22 puwesto.
Kapansin-pansin naman ang pagbagsak ng level ng kaligayahan sa mga bansang superpower tulad ng United Kingdom (23rd) , Japan (53rd) , Russia (56th) at China (83rd).
Kabilang sa naging sukatan sa ginawang pag-aaral ay ang mahabang life expectancy, tinatanggap na social support, kalayaan sa pagpili, mababang persepsyon sa korupsyon, mataas na gross domestic product per capita at iba pa.
By Rianne Briones