Good news para sa mga nais mag-abroad!
Aalisin na ng Pilipinas ang Deployment Ban sa Saudi Arabia pagsapit ng November 7.
Ayon kay Migrant Workers secretary Susan Ople, nabuo ang pasya matapos makipagpulong ang DMW kay Saudi Minister of Human Resources and Social Development Ahmad Bin Sulaiman Al-Rajhi at mga opisyal nito.
Kasama sa napag-usapan ang muling pagpapadala ng mga Pinoy sa Saudi.
Pupulungin na ng DMW ang recruitment agencies sa bansa at palalakasin ang koordinasyon sa TESDA upang matiyak na sapat ang kakayahan ng mga ipapadalang domestic workers.
Simula pa noong isang taon ipinatupad ng Pilipinas ang Deployment ban sa Saudi Arabia, dahil sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga Pinay Domestic Helper at hindi pa naibibigay na sahod ng mga ito.