Nakatakdang umangkat ng dalawandaan at limampung libong (250,000) metriko toneladang bigas ang Pilipinas mula sa mga bansang Vietnam at Thailand.
Ayon kay National Food Authority (NFA) Administrator Jason Aquino, isasagawa ang importasyon ng bigas sa ilalim ng government to government scheme kung saan mas mabilis ang proseso ng procurement ng bigas.
Sinabi ni Aquino na inaasahang sa katapusan ng Mayo darating ang paunang shipment ng mga bigas sa mga pantalan ng Cebu, Davao at Maynila.
Matatandaang mayroong umiiral na memorandum of understanding ang Pilipinas sa Vietnam at Thailand hinggil sa pag-aangkat ng bigas.
—-