Sumentro sa pag responde sa isang plane hijacking sa kauna unahang pagkakataon ang pagsasanay ng Pilipinas at Amerika kontra terorismo.
Ipinabatid ni Defense Spokesman Arsenio Andolong na bahagi ng scenario nang tinaguriang tempest wind ang isang pampasaherong eroplano lulan ang 150 pasahero galing Sydney, Australia at papunta sanang Hawaii subalit na divert sa Clark, Pampanga matapos kunwaring na hi jack ng walong terorista
Rumesponde ang mga otoridad ng Pilipinas sa pangunguna ng PNP Avsegroup katuwang ang AFP habang ang tropa naman ng Amerika ang nagbibigay ng intelligence at technical support.
Tatlong araw nakipag negosasyon ang mga otoridad bago naresolb ang kunwaring problema matapos lusubin ng mga pulis ang loob ng eroplano.
Kapwa ipinagmalaki nina US Ambassador Sung Kim at Defense Secretary Delfin Lorenzana ang tagumpay ng pagsasanay na magagamit anila ng Pilipinas sa panahon ng krisis at kampanya kontra terorismo.
Ulat ni Jonathan Andal
SMW: RPE