Dalawang kasunduan ang nilagdaan nina Pangulong Noynoy Aquino at Chilean President Michelle Bachelet matapos ang kanilang expanded bilateral meeting sa Malacañang.
Una rito ay ang Memorandum of Understanding o MOU para sa disaster management kung saan pareho ang Pilipinas at Chile na nakaranas ng matitinding kalamidad gaya ng lindol.
Ikalawa ay ang pagpapalakas ng trade relation sa pamamagitan ng joint study for free trade agreement.
Sa mensahe ni Pangulong Aquino, mahalagang lalo pang mapaigting ang 70 taon nang ugnayan ng Pilipinas at Chile.
By Jelbert Perdez | Aileen Taliping (Patrol 23)
*Photo Credit: gov.ph