Kasado na sa susunod na taon ang formal negotiations sa pagitan ng Pilipinas at China para plantsahin ang gusot hinggil sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana, umaasa ang dalawang panig na sa unang bahagi ng taong 2018 magaganap ang ikalawang bilateral consultative sa Pilipinas.
Orihinal anyang itinakda sana ngayong buwan ang pulong pero iniatras ito sa susunod na taon dahil sa hindi magkakatugmang schedule ng mga dadalong government official at diplomat mula sa dalawang bansa.
Magugunitang nagpulong ang dalawang panig sa China-Philippines Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea nitong buwan ng Mayo sa Guiyang, Guizhou Province, China.
—-