Lumagda na ng kasunduan ang Department of National Defense (DND) at ang Brahmos Aerospace para sa kontrata ng pagkuha ng shore-based anti-ship missile system na nagkakahalaga ng P18.9B.
Dumalo rito Si Defense Secretary Delfin Lorenzana at Brahmos Aerospace Director General Atul Dinkar Rane.
Habang present din si Indian Ambassador to the Philippines Sham-Bhu Kumaran na naganap sa DND headquarters sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.
Ayon kay Lorenzana, malaking tulong ang kagamitan sa Philippine Navy upang patuloy na maprotektahan ang ating mga teritoryo.
Partikular itong gagamitin sa mga isla sa West Philippine Sea na kasalukuyang pinag-iinteresan ng China.
Unang nasimulan ang poryekto noong 2017. —sa panulat ni Abby Malanday