Bilang pagpapahalaga sa kapakanan ng public health care system, gusto ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na magkaroon ng kasunduan sa bansang India upang mas palakasin pa ang lokal na produksiyon ng mga generic na gamot sa bansa.
Sa isang press briefing, ibinahagi ni Marcos sa media ang kanyang pakikipagpulong kay Indian Ambassador Shambhu S. Kumaran at iba pang miyembro ng diplomatic corps sa kanyang headquarters sa Mandaluyong City.
“India is one of the largest manufacturers of generic drugs. We could go into partnership para magkaroon ng production dito sa Pilipinas,” sabi ni Marcos.
“I have no doubt na yung manufacturers natin ay kaya nila pero we will get advice dahil may experience ang India,” dagdag pa niya.
Ang India ay kilala bilang isang ‘pharmaceutical powerhouse’ at kinukunsidera na pinakamalaking manufacturer ng generic medicines sa buong mundo na may 20% share ng global pharmaceutical exports.
Sa kanila din nagmula ang higit sa kalahati ng lahat ng mga bakuna na ginawa sa buong mundo.
Nitong 2021, ang kanilang pharmaceutical sector ay nagkakahalaga ng US$42 bilyon.
“I think the new administration will carry forward the dialogue with the view of creating domestic capacities in the pharmaceutical sector to contribute to the health security of the Philippines,” ayon kay Ambassador Kumaran.
“India is one of the strongest partners of the Philippines in the health sector,” dagdag pa niya.
Maliban sa pagkakaroon ng malakas na ugnayan pagdating sa produksiyon ng gamot, napag-usapan din ni President-elect Marcos at Ambassador Kumaran ang pagpapatuloy ng magandang ugnayan ng Pilipinas at India.
“We requested his continued support for the development of excellent bilateral relations between India and the Philippines,” sabi ni Kumaran.
“We’ve been having excellent progress over the past few years and we look forward to continuing the progress and dynamism under the new administration,” sabi pa niya.