Magtutulungan ang Pilipinas at Israel para mapataas ang general emergency preparedness laban sa ibat-ibang uri ng kalamidad.
Kasunod ito ng pagbisita ni Israel Defense Attaché to the Philippines Raz Roy Shabtay at iba pang opisyal ng embahada ng Israel sa tanggapan ng Office of Civil Defense (OCD) sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Sinalubong ni Civil Defense Administrator Undersecretary Raymundo Ferrer ang mga opisyal ng Israel kung saan, kanilang tinalakay ang iba’t-ibang hakbang hinggil sa naturang usapin.
Kasabay nito, kanila ring nilibot ang NDRRM Operations Center kung saan, kanilang nasaksihan ang patuloy na monitoring at koordinasyon ng mga tauhan ng ahensya.