Binigyang diin ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida, na mas tumibay ang bilateral relation ng Pilipinas at Japan matapos nitong maabot ang golden age sa ilalim ng Duterte administration.
Ayon sa Malacañang, nagkausap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Kishida sa pamamagitan ng isang telephone call, at binati ni Duterte ang gobyerno ng Japan sa matagumpay na pagdaraos ng Tokyo Olympics at Paralympic Games.
Kasabay nito, nagpasalamat din ang Pangulo sa patuloy na pagbibigay suporta ng Japan sa Build, Build, Build Program ng bansa, gayundin ang malaking tulong nito sa COVID-19 pandemic response ng Pilipinas.
Tiniyak naman ni Kishida, na patuloy nilang susuportahan ang Peace and Development Agenda ng Pilipinas at nangakong palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa sa maritime security.—sa panulat ni Joana Luna