Sanib-pwersang palalakasin ng Pilipinas at Japan ang seguridad sa Sulu at Celebes Sea laban sa mga kaso ng pagdukot sa mga nasabing karagatan.
Ito ang inihayag ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe matapos ang pakikipagdayalogo kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng planong paglagda sa isang kasunduan para mapalakas ang surveillance sa mga karagatan sa pagitan ng dalawang bansa.
Dahil dito nakatakdang magsagawa ng capacity building and training exercises ang Philippine Coast Guard o PCG at counterpart nito sa Japan sa susunod na buwan.
Ang hakbang din umanong ito ay may layong mapagbuti pa ang strategic relations ng Pilipinas at Japan bilang kapwa maritime nations ang dalawang bansa.
Sisikapin din na magkaroon ng free and open Indo-Pacific Region kasama ang Malaysia, Vietnam at Indonesia.
—-