Wala pang pormal na usapan sa pagitan ng Pilipinas at Japan ukol sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ito ang nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos matanong ng media tungkol sa panukalang pagpapalakas ng ugnayang pangdepensa sa matagal na nating kaalyadong bansa.
Bagama’t wala pang formal dialogues hinggil sa VFA, ipinaliwanag ni PBBM na tumutulong na ang Japan sa Philippine Coast Guard (PCG) sa usapin ng ‘capacity-building’, kabilang ang pagkakaloob dito ng mga kagamitan o equipment.
Naniniwala rin si Pangulong Marcos Jr. na tutulong ang Tokyo sa pagpapaganda o rehabilitasyon ng Coast Guard Station sa Subic sa Zambales.
Layunin aniya nito na matiyak ang ‘freedom of passage’ sa South China Sea.
Nais naman ni PBBM na mas tumibay pa ang relasyon ng bansa sa Japan sa pagbisita niya simula kahapon, Pebrero 8, hanggang Pebrero 12.
Mahigit dalawang daang libong mga Pilipino na ang naninirahan at nagtatrabaho sa Japan sa 67 na taon na diplomatikong relasyon ng Pilipinas sa naturang bansa.