Gumulong na ang bilateral talks sa pagitan ng mga kinatawan ng Pilipinas at Kuwait kasunod ng ipinatupad na entry ban sa Overseas Filipino Workers ng Kuwaiti government.
Sa inilabas na statement ng Department of Foreign Affairs, dinepensahan ng Philippine officials ang mga hakbang nito upang maprotektahan ang migrant workers sa nasabing bansa.
Binigyang diin ng delegasyon ng Pilipinas sa mga opisyal ng Kuwait na ang pagbibigay proteksyon sa mga Pinoy ay tungkulin ng mga Consular Office sa ilalim ng International Law and Conventions.
Sinabi pa ng DFA na nananatiling bukas ang Pilipinas sa dayalogo para matugunan ang nasabing usapin.
Isinagawa ang bilateral talks noong Martes at Miyerkules, kung saan kabilang sa mga humarap sa Kuwaiti officials ang senior officials mula sa DFA, Department of Migrant Workers at Overseas Workers’ Welfare Administration.