Nagkasundo ang Pilipinas at Palau na paigtingin ang kanilang ugnayan sa iba’t ibang larangan.
Ito ang inihayag ng Malakaniyang sa isinagawang courtesy call ni Palau President Tommy Remengesau kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakaniyang nuong Huwebes.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ilan sa mga napagkasunduan ng dalawang bansa ay ang pagpapaigting sa larangan ng edukasyon, maritime security, agrikultura at aquaculture.
Gayundin ang pagpapalakas sa ugnayan hinggil sa kampaniya kontra iligal na droga, connectivity ng internet, medical tourism at kalakalan.
Posted by: Robert Eugenio