Nakahandang magpautang ng 1.7 bilyong dolyar ang South Korea sa Pilipinas para makatulong sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan.
Ayon sa Department of Finance o DOF, seselyuhan ito ng isang paglalagda ng kasunduan sa pagitan ng dalawang mga bansa sa susunod na linggo.
Kabilang sa mga popondohang ng nasabing pautang ay ang mga proyekto sa sektor ng transportasyon, enerhiya at ICT o Information and Communications Technology.
Ipararaan ang nasabing pautang sa Export – Import Bank of Korea na siyang namamahala sa economic development cooperation fund.
—-