Posibleng lusubin ng China ang Pilipinas at Taiwan sakaling lumala ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine dahil sa presensya ng pwersa ng Estados Unidos sa ating bansa.
Ito ang ibinabala ni Pangulong Duterte sa gitna pa rin ng walang humpay na bakbakan ng Russian at Ukrainian forces at namemeligrong nuclear war.
Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cainta, Rizal, kagabi, inihayag ng pangulo na mamemeligro ang bansa sakaling sumiklab ang nuclear war lalo kung sasali ang China.
Sa katunayan ay nakikipag-kaibigan ang Pilipinas sa China upang maiwasang maipit sa posibleng gulo.
Idinagdag ni Pangulong Digong na maka-ilang beses na rin niyang binanggit kay Chinese President Xi Jinping na hindi kaaway ang Pilipinas bilang pagtiyak na hindi aatake ang China.