Magkasanib-pwersa ang Pilipinas at Estados Unidos upang matuldukan na ang mga nuclear at ballistic missile program ng North Korea.
Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs o DFA kahapon kasunod ng bilateral strategic dialogue sa pagitan ng US at Pilipinas noong nakaraang linggo.
Gaya ng US ay mariing kinokondena rin ng Pilipinas at nananawagan na ihinto na ng North Korea ang mga programa nito na maaaring magdulot ng panganib sa mga kalapit nitong bansa at magpapalala ng sitwasyon sa Korean Peninsula.
Ikinagalak naman ng US ang pakikiisa ng Pilipinas sa United Nations Security Council Resolutions kaugnay ng naturang usapin.
—-