Wala pang natatanggap na opisyal na komunikasyon ang Estados Unidos hinggil sa pagpapa alis sa tropa ng mga Amerikanong sundalo sa Mindanao.
Ayon kay US State Dept. Spokesman John Kirby, nabasa laman nya ang mga pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagpapa alis sa mga sundalong Amerikano sa Mindanao.
Sinabi ni Kirby na nananatiling matapat ang Amerika sa alyansa nito at pakikipagkaibigan sa Pilipinas.
Una rito, sinabi ng Pangulo na dapat nang umalis sa Mindanao ang mga sundalong Amerikano dahil nanganganib ang kanilang buhay mula sa Abu Sayyaf.
By: Len Aguirre