Plano ng Pilipinas at Siyam na iba pang bansa mula sa Association of Southeast Asian Nations na bumili ng bulto ng bakuna bilang tugon sa kakulangan ng murang supply sa rehiyon.
Ayon kay Zulkifli Ismail, miyembro ng ROTA Council for Malaysia at Secretary General ng Asia Pacific Pediatric Association, ang kakulangan ng supply at mataas na presyo ang tinalakay nila sa 6th Asian Vaccine Conference sa Metro Manila noong April 27 hanggang 29.
Kailangan pa anyang mag-usap ng mga ASEAN country at magkasundo kung anong mga bakuna ang dapat bilihin nang maramihan upang mapababa ang presyo nito.
Tinalakay din sa pulong ang mga solusyon ang mga programa laban sa mga karamdaman maging ang pagdevelop ng mga bagong bakuna sa rehiyon.
By: Drew Nacino