Bibida ang Pilipinas bilang unang bansang nagpatupad ng mass immunization laban sa dengue sa 2nd Dengue Summit sa Maynila ngayong araw na ito.
Ayon kay Philippine Foundation for Vaccination Executive Director Lulu Bravo, pinag-aaralan ng ibang bansa kung paano ginawa ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna ng dengvazia, ang kauna-unahang bakuna laban sa dengue.
Aniya, hindi tulad sa Pilipinas na gobyerno na mismo ang nagkaroon ng inisyatibo, sa maraming mga bansa ay nananatiling nasa private sector ang siyang humahawak sa anti-dengue vaccine drive.
Samantala, dumipensa si Bravo sa mga kritiko nagsasabi na ginawang guinea pigs ang mga kabataang Pinoy para sa naturang bagong bakuna.
Aniya, napatunayan na ng siyensya na ligtas at epektibo ang nasabing bakuna.
By Rianne Briones