Nilagdaan na ng Department of National Defense at ng South Korean Companies ang kontrata para sa pagbili ng 2 bagong barkong pandigma ng Pilipinas.
Kasunod ito ng pagtanggap naman ng Pilipinas sa biniling segunda manong frigates ng Armed Forces of the Philippines mula sa Estados Unidos.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, mahigit 18 Bilyong Piso ang gastos ng Pilipinas para sa pagbili ng 2 bagong barkong pandigma na gagawin ng Hyundai heavy industries ng South Korea.
Ang pagbili ng Pilipinas sa 2 bagong barkong pandigma ang pinakamalaki at pinaka-mahal na proyekto na nilagdaan sa ilalim ng Administrasyong Duterte.
By: Jaymark Dagala