Nakatakdang bumili ang Pilipinas ng anim na bagong close air support aircraft sa Brazil na nagkakahalaga ng halos 5 bilyong piso.
Ipinabatid ni Department of National Defense o DND Public Affairs Office Chief Arsenio Andolong na napili nila ang Brazilian manufacturer na Embraer Defense and Security para mag supply ng A-29 super tucano light attack aircraft.
Naipalabas na aniya at naipadala na sa naturang kumpanya ang notice to proceed para sa supply at delivery ng attack jets simula sa 2019.
Sinabi ni Andolong na isinasapinal na ang kontrata hinggil dito para malagdaan na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
—-