Napagkasunduan ng mga opisyal sa Pilipinas na bumili ng Anti-Ship Missile System na binuo ng India at Russia para ipagtanggol at depensahan ang teritoryo ng bansa.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang nasabing Missile system ay nagkakahalaga ng halos $375-M o nasa mahigit P19-T para mapalakas ang hukbong-dagat.
Layunin nitong gawing moderno ang mga lumang sasakyan at kagamitan na kinabibilangan ng mga barkong pandigma mula sa World War II at mga helicopter na ginamit ng Estados Unidos sa Vietnam War.
Samantala, sinabi naman ng India Defence Ministry na ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa na bibili ng nasabing system. —sa panulat ni Angelica Doctolero