Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na bibili ang gobyerno ng mga armas sa China.
Ito’y matapos lagdaan ng Presidente ng China Poly Group Corporation na si Zhengao Zhang ang isang letter of intent to deal.
Gayunman, sinabi ni Lorenzana na wala pa sa pinirmahang letter of intent ang mga partikular na armas na bibilhin ng Pilipinas.
Wala rin aniyang problema kung manggagaling sa China ang mga armas ng AFP dahil pare-pareho lamang ang mga armas ngayon at maaari namang sundin ng Poly Technologies kung ano ang nais nilang specifications.
Ang Poly Technologies ay isa sa malaking firearms exporter firm ng China.
Kasabay nito, tiniyak ni Lorenzana na hindi makakaapekto sa training at doktrina ng sandatahang lakas ang pagbili ng armas sa China dahil kakaiba ang pagsasanay ng mga sundalong Pilipino sa training ng Chinese Forces.
By: Meann Tanbio