Bibili ang Pilipinas ng Sea at Air assets sa Indonesia bilang bahagi ng pagpapalakas ng seguridad sa pagitan ng dalawang bansa.
Kasunod ito ng naging kahilingan ni Indonesian President Jojo Widodo matapos ang pinirmahang kasunduan na magtatatag sa relasyon at security border ng Pilipinas at Indonesia.
Nangako naman si President Widodo sa Pilipinas na magpapatuloy ang kalakaran ng kanilang bansa partikular na sa pag-eexport o pagpapadala ng ibat-ibang pagkain at pharmaceutical products.
Nabatid na mayroong 7K Pilipino na nagtatrabaho sa Indonesia at kabilang ito sa pinakamalaking trading at investment partner ng Pilipinas.