Nabigo ang pambato ng Pilipinas na si Mariel de Leon na maiuwi ang korona ng Miss International 2017.
Ito sana ang back – to – back win para sa bansa.
Isa sa mga naging judge sa naturang kompetisyon ang nanalo noong 2016 na si Kylie Verzosa.
Last few moments. ❤ #missinternational Praying for the best results
A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa) on
Nasungkit ng Indonesia ang korona ng Miss International 2017 sa ngalan ni Kevin Lilliana.
Ito naman ang kauna-unahang pagkakataon na nakuha ng Indonesia ang naturang titulo.
Si Chanelle De Lau ng Curacao ang first runner – up; second runner – up naman si Diana Croce ng Venezuela; si Amber Dew ng Australia ang third runner – up; at fourth runner – up naman si Natsuki Tsutsui ng Japan.
Kabilang sa Top 8 ang mga kinatawan ng Ecuador, Laos at United Kingdom.
Habang pasok naman sa Top 15 ang mga kandidata mula Thailand, South Africa, Slovakia, Panama, Honduras, Finland, at Ghana.
Pinangalanan naman ang mga sumusunod na kandidata bilang Continental Queens:
- Oceania – Michelle Isemonger from New Zealand
- Asia – Nam Seung Woo from Korea
- America – Carla Patricia Maldonado Simoni from Bolivia
- Europe – Ashley Powell from United Kingdom
- Africa – Daniella Akorfa Awuma from Ghana
Ginanap ang grand coronation ng Miss International 2017 sa Tokyo Dome City sa Japan.