Itinanghal bilang bagong Ms. Tourism International ngayong taon ang pambato ng Indonesia na si Astari Indah Vernideani.
Ang pambato naman ng Pilipinas na si Julieane Aya Fernandez ay itinanghal na “Dream Girl of the Year” sa katatapos na pageant na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong nakalipas na Biyernes ng gabi.
Maliban dito, nakuha rin ni Fernandez ang titulo bilang Miss Dazzling.
Nakuha naman ng pambato ng kenya na si Sarah Pkyach ang Miss Tourism Metropolitan International habang napunta ang Miss Tourism Global kay Sandra Callahan ng Australia.
Ang tituLo na Miss Tourism Cosmopolitan International ay nasungkit ni Laura Schuchare ng Latvia.