Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinikilala na ng China ang Pilipinas bilang “co-owner” ng mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang Tsina ang nag-alok sa Pilipinas ng joint exploration sa West Philippine Sea matapos niyang magpalit ng foreign policy na pabor sa Beijing.
They dig oil, ang sabi ng Chinese si Xi Jingping pag usapan na lang natin ang sabi ko no kasi amin yan, sabi niya, alam mo kasi baka magkagulo, yung gulo ang ibig sabihin nyan giyera yan, so sabi ko, ok, pwede ba nating pag usapan balang araw at least sa panahon ko, ang sabi niya puwede.”
Gayunman, aminado ang punong ehekutibo na hindi kakayanin ng Pilipinas na makipag-digma sa China kaya’t mas maigi na ang co-ownership.
So ngayon itong mga iba gusto nila magpunta ako, magdala ako ng sundalo, I will not go into a battle which I cannot win, and the consequence would be a massacre of my soldiers, huwag ngayon kaya ang sabi ko, ngayon sige joint explorations na tayo, kita mo, eh kung inasar ko noon pinag …. ko sila walang mangyari, ngayon offer nila joint exploration eh di parang co-ownership, parang dalawa tayong may ari nyan eh di mas maganda yan kesa, alam nya hindi tatagal eh bibigay talaga sila, ayaw nila ng gulo kasi magkagiyera lang.”
RPE