Tiniyak ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ginagawa ng ahensya ang lahat para maresolba ang lumalalang trapiko sa Metro Manila.
Ito ang ginawang pahayag ng MMDA matapos lumabas sa pag-aaral na ginawa ng Asian Development Bank na ang Metro Manila ang “Most Congested City” sa Asya sa mga lungsod na may populasyon na higit 5-M.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, hindi nagpapabaya ang ahensya at maraming solusyon na ang kanilang sinusubukan para makontrol ang pagsikip ng trapiko ngunit sadya aniyang overcrowding na ang Metro Manila.
Dagdag pa ni Pialago, hindi lamang ang daloy ng trapiko ang tinutugunang ng MMDA kundi marami pang iba.